Meanwhile, the S4S denounced the statements claimed by Col. Ariel Querubin that Col. Mariano's video was fake. The S4S said:
Kami po, ang SOLIDARITY 4 SOVEREIGNTY (S4S) ang nagpalabas ng video tape na ito. Kami po ang unang naglabas ng pangungurakot ni Gloria. Kahit ang kanyang pagka-imoral sa mga relasyon ay inilabas namin. Nagkampanya po kami sa buong bansa upang ilantad ang kanyang katiwalian at imoralidad. Kami rin po ang unang una nag-file sa Kongreso ng kasong impeachment kay Gloria ngunit kahit isang Kongresista ay walang nagendorso. Kasama po kami sa lahat ng mga pagkilos laban kay Gloria. Ano ang dahilan bakit ngayon ito inilabas? May mga nagsasabi na bigyan ng pagkakataon si Noynoy sapagkat isang taon pa lang. Bakit masyado tayong mapagbigay sa pinuno ngunit hindi naaawa sa kapwa Pilipinong nagdurusa araw-araw, sa mga nagugutom, sa mga hindi nakakaeskwela, sa mga walang trabaho, sa mga namamatay dahil sa sakit at walang gamot, sa mga biktima ng karahasan at krimen, atbp. Ilang libo pa ang mamamatay habang binibigyan natin ng dagdag na panahon si Noynoy na ipakita ang kanyang kakayanan. Milyun-milyon na ang naghihirap. Dapat sa unang araw pa lang ng pagupo ni Noynoy kung siya at talagang handa, dapat nagutos na siya sa kanyang mga tauhan na sagutin ang mga problemang ito. Kung hindi pala siya handa at hindi niya kaya, hindi dapat siya tumakbo. Sa pagbibigay sa kanya ng dagdag na palugit, lumalabas "trial and error" o "hit and miss" lang ang kanyang liderato. Husto ba ito o makatarungan sa mamamayang Pilipino? Hindi! Nagtatamasa na siya ng katakut-takot na kapangyarihan, ngunit hindi niya ito magamit kaagad-agad para sa nakararami na naghihirap? Maawa naman po tayo sa ating sambayanan. Mukhang pinaglalaruan lang tayong lahat.Col. Mariano is currently being investigated by the Armed Forces because of his controversial video.
Ayon kay Ariel Querubin hindi totoo ang video tape. Sumakay na naman sa isyu. Maliwanag na sinabi ni Col. Mariano sa Ch 5 na 33 taon na siyang nakipagtagisan sa kamatayan at hanggang ngayon buhay pa siya. Hindi niya tatalikuran itong deklarasyon niya, paninindigan niya ito. Ngunit tulad ng fake na awards ni Ariel na nilakad niya kay Erap ayon sa kanyang mga kasamahan - ang gold cross, medal of valor (hindi siya ang lumaban, batalyon ng Bikolanong si Col. Asidao ang nakipagencuentro) at pagpatay sa isang kumander daw (ang napatay ay ang "muse" na kinidnap hindi kumander) gusto na naman niyang magpasikat. Dapat respetuhin na lang niya si Col. Mariano, huwag na niyang pilitin na tabunan ito. Alam niyang bayani sa mata ng mga makabayang tao si Col. Generoso Mariano.
Ang mga sumusunod na "land mines" ay dapat nalutas na ni Noynoy. Ito ay ang unconstitutionality ng May 10 elections, ang "aspergers disorder" na kapansanan n Noynoy, ang pagkawala ng direksyon ng pamahalaan, ang hindi mapigtas na pagtaas ng mga presyo ng bilihin, isang taon na hindi pa nakukulong si Gloria, ang nagbabantang takeover ng coalition government pinangungunahan ng kaliwa, ang isyu sa Spratlys at RH Bill. Dito nakabase ang mga aksyon o hakbang ng S4S.
S4S, 7.19.11
It is sad when people like Col. Mariano risk everything to air their sentiments, while some quarters who support the Yellow President simply dismiss it as a "propaganda". The many criticisms hounding this administration come from all factions of society, but still the Palace is suffering under the delusion that these criticisms are merely works of his enemies and not the true sentiments of the people. The people running this government are no longer in touch with the true sentiments of the people. They live in their protective bubble, happily test-driving Porsches and BMWs, attending concerts, going out on dates while the people go hungry. It is no different from Nero playing the fiddle while Rome burned.
The government should look at Mariano's video as a wake-up call that there is indeed a problem, but they refuse to do so, wanting so much to believe that everything is alright in their quit little world. They will never accept their faults, nor accept that they too are human and capable of being blinded by their own biases. Having observed politics in out little nation for nearly a decade, i fear that Mariano is not the last Filipino who will call for a rejection of this do-nothing government.
Let no one say that the president has not been warned. It will be his own fault when he wakes up ousted one day.
No comments:
Post a Comment