Thursday, May 27, 2010

A Poem from my Upcoming Collection

Ako at aking awit


Tama na ang masulyapan ka lamang

Higit na ligaya ang siya nitong katumbas

Makita man lang ang ngiti sa iyong mga labi

Langit na ang aking madarama


Kahit man lang sa malayo’y mamasdan
ang buong halina ng iyong kagandahan
ito lamang ang aking tanging kaligayahan
masulyapan ka, kahit sa malayo man lang


Hindi ko man makayang magtapat sayo

Ng nilalaman nitong aking abang puso

Dadaanin ko na lang sa awitin kong ito

At sa pasulyap-sulyap kahit malay

o


Ito ang aking natatanging paraan

upang mapunan ang pagibig na nararamdaman

Ako ma’y torpe sa paninigin ng mga iba
Sa aki’y labis na ang dulot na saya


Naghihintay ako ng pagkakataong magka-lakas loob
upang sabihin sa iyo ang aking sinasaloob
na pagibig na tanging alay lamang ay para sa’yo
ito at ang aking awit nilalaan sa iyo

No comments: