Sunday, June 13, 2010

Bakit nga ba P-Noy?

Sa isang interview kamakailan sa telebisyon, aking napanood na sinabi ni noynoy na hindi pa siya handang matawag na Pangulong Noynoy Aquino, kaya't nais niyang matawag na P-Noy

Noong panahon, ang media ang nagbabansag ng mga palayaw sa mga pangulo at sikat na politiko. Halimbawa: Si Mayor Arseno Lacson ay nabansagang Arsenic dahil sa kanyang mala-acidong mga artikulo sa diyaro, si Pangulong Marcos ay tinawag ng mga reporters na FM, Si Corazon Aquino ay binansagang Cory or Tita Cory, si Pangulong Ramos ay FVR, si Joseph Estrada ay binansagan sa kanyang screen name na Erap, at si Gloria Arroyo ay binansagang PGMA. Sa lahat ng pagkakataon sa nabanggit kong ehemplo, mga mamamahayag o taumbayan ang siyang nagbansag ng mga palayaw na ito.

Ang aking katanungan ay ganito: Bakit sa pagkakataong ito, si Noynoy Aquino ang pumipili ng dapat ibansag sa kanya? Itong tanong ko po ay walang halong malisya... ako po lamang ay nagtatanong, kasi nga, hindi na naman ayon sa tradisyon ang nagaganap.

No comments: